Advertisement

Indonesia nagdeploy ng mga fighter jets at pinaalis ang Chinese coast guard sa Natuna

Indonesia nagdeploy ng mga fighter jets at pinaalis ang Chinese coast guard sa Natuna Nagpadala ang Indonesia ng apat na F-16 fighter jets upang magpatrolya sa Natuna Islands, sinabi ng mga opisyal ng Indonesia noong Martes, habang naghahanda si Pangulong Joko Widodo na dalawin ang lugar matapos na iginiit ng Jakarta ang kanilang soberanaya. Ang Natuna Islands ay labas sa South China Sea at ang soberanya nito ay “non-negotiable”, ayon sa Indonesia.

Ang tensyon sa pagitan ng Jakarta at Beijing ay tumaas mula noong nakaraang linggo pagkatapos maiulat na dose-dosenang mga Chinese fishing vessels kasama ang mga Chinese coast guard ships na nakasuporta sa mga mangingisda ang pumasok sa Exclusive Economic Zone ng Indonesia. Dahil sa mga aktibidad ng Chinese coast guard sa Natuna islands, dinoble ng Indonesia ang kanilang mga naval assets sa naturang lugar.

“The four F-16s departed today,” sinabi ni Air Commodore Ronny Irianto Moningka, ang hepe ng Roesmin Nurjadin Airbase sa Riau province, na kinabibilangan ng Natuna regency.

Inangkin ng Beijing ang halos buong South China Sea, isang mahalagang “sea lane” kung saan halos $5 trilyon na “shipping trade” ang dumadaan bawat taon. Ang Indonesia ay hindi kabilang sa mga bansa na may mga pag-aangkin sa South China Sea, ngunit sinabi ng Beijing na ang Natuna Islands ay bahagi ng kanilang “traditional fishing grounds”.

Isang Chinese coast guard ang dumaong sa isa sa mga isla nito sa Spratly, kung saan ang China ay mayroong mga refueling facilities, ayon sa isang local report, na binasi sa data mula sa Marine Traffic, isang maritime intelligence provider na may website na sumusubaybay sa mga barko ng China.

Kinumpirma rin ng Maritime Traffic na ang Haijing 35111 at ang isa pang barko na Zhongguohaijing, ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Indonesia noong Martes na may mahigit-kumulang 200km mula sa Riau Islands. Ipinapakita rin ng China na ang kanilang mga vessels ay nasa loob ng tinatawag nilang Nine-Dash Line, isang demarcation na inilagay ng Beijing sa mga Chinese maps.

Mga isla ng Natuna,F16 ipinadala sa Natuna,Soberanya ng Indonesia sa Natuna,Chinese coast guard sa Natuna,

Post a Comment

0 Comments